Ateneo, Adamson hari sa basketball sa UniGames

MANILA, Philippines - Nakumpleto ng Ateneo at Adamson ang kanilang mis­yon sa basketball event, habang kuminang naman ang La Salle sa men’s football at ang FEU at La Salle-Bacolod ang hinirang na kampeon sa volleyball sa pagtatapos 16th PSC-Philippine University Ga­mes sa Roxas City, Capiz no­ong Sabado ng gabi.

Naghatid ng 22 puntos si Justin Chua at siyam rito ay ibinagsak sa huling yugto para tuluyang maiwanan ng Ate­neo ang palabang West Negros College sa pamama­gitan ng 76-62 panalo.

Ang mga jumpers ni Chua ay nakatulong para ibigay sa Blue Eagles ang 74-56 bentahe para masungkit ng 4-peat UAAP champions ang ikaapat na titulo sa limang taon ng UniGames na suportado ng Sandugo Sandals at Ga­torade.

Iniuwi ng Lady Falcons ang ikatlong sunod na titulo nang manaig sa St. Benilde, 63-54, kahit anim sa manla­laro ng koponan ay may iniindang pananakit ng tiyan.

Sina Snow Penaranda at Anna Buendia na kasama sa masama ang tiyan ang nagtulong sa pinakawalang 11-2 bomba matapos ang 49-all patungo sa ikatlong sunod na wo­men’s title.

Matapos ang mahabang panahong pagkatalo, bumalik ang naman La Salle sa kampeonato sa men’s football mu­la sa 4-1 ta­gumpay laban sa University of Negros Oc­cidental-Re­coletos.

Show comments