^

PSN Palaro

2 titulo winalis ni Alcala sa VP Binay Grand Prix

-

MANILA, Philippines - Inihanda ni Malvinne Ann Alcala ang kanyang sarili para sa World Juniors nang walisin ang ladies Open at girls Under-19 singles titles , habang kinumpleto naman nina Toby Gadi at Markie Alcala ang kanilang four-peat sa pagsasara ng fourth leg ng VP Binay Grand Prix Badminton Open Championships-PBaRS kahapon sa Philsports Arena.

Tinalo ng 16-anyos na si Alcala si Bianca Carlos, 22-20, 21-16, para angkinin ang kanyang ikalawang ladies Open singles crown sa nasabing P1 million event na inihahandog ng MVP Sports Foundation at Robinsons Land.

Tumanggap siya ng P70,000 at hinirang na top pla­yer bagamat naupo siya sa No. 3 sa official national ranking matapos hindi makalaro sa dalawang legs ng nationwide circuit.

Dinalawahan ni Alcala si Carlos, 21-14, 21-10, sa U-19 finals para sa dagdag na P20,000 bilang paghahanda sa World Juniors sa Taiwan sa Nobyembre 2-6.

Si Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay ang namahagi ng mga premyo at tropeo sa mga nanalo sa event na itinataguyod ng PLDT Smart Foundation, Robinsons Mall, Gatorade at official equipment sponsor Victor, na ipinamamahagi sa bansa ng PCOME Industrial Sales, Inc.

Sa men’s Open singles, pinayukod ni Gadi si Gabriel Magnaye, 21-15, 13-21, 23-21, upang angkinin ang P70,000 para sa kanyang sweep sa premier class.

ALCALA

BIANCA CARLOS

BINAY GRAND PRIX BADMINTON OPEN CHAMPIONSHIPS

GABRIEL MAGNAYE

INDUSTRIAL SALES

JEJOMAR BINAY

MALVINNE ANN ALCALA

MARKIE ALCALA

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

PHILSPORTS ARENA

WORLD JUNIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with