Seguridad sa BP tiniyak
MANILA, Philippines - Gagamitin ng Zamboanga City ang pagdaraos ng unang yugto ng Batang Pinoy para ipakita na umiiral ang kapayapaan sa kanilang lugar.
“There’s no problem here. There may be fighting in Basilan and Zamboanga, Sibugay but those are very far from here,” wika ni City Mayor Celso Lobregat sa pagbubukas ng Mindanao qualifying leg noong Miyerkules.
May 19 local government units ang nagpadala ng mga manlalarong edad 13 hanggang 15 na magtatangkang manalo at makarating sa National Finals sa Naga City sa Disyembre.
Ang host City ay tiyak na palaban sa mga events na paglalabanan lalo nga’t si Mayor Lobregat ay kilalang masugid na sumusuporta sa palakasan at naglaan nga ng P27 milyong pondo para sa kanilang sports programs.
Umarangkada na ang labanan sa archery, lawn tennis, badminton, athletics, table tennis at chess kahapon at ang pagbabalik ng Batang Pinoy ay nangyari sa pangunguna ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang Smart, Maynilad, Summit Natural Drinking Water, Milo, Jollibee, The British Council, Standard Insurance at Negros Navigation-Super Ferry.
- Latest
- Trending