^

PSN Palaro

2-peat sa Red Lions

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nilimitahan ng nagdede­pensang San Beda ang San Sebastian sa limang puntos sa huling yugto para iuwi ang 57-55 panalo at sungkitin ang kampeonato sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa Araneta Coliseum.

Tulad sa Game One na kanilang kinuha, 75-63, dikitan ang labanan bago bumigay ang Stags sa huling 10 minuto para mapanatili ng San Beda ang titulo sa ika­lawang sunod na taon gamit ang 2-0 sweep sa best-of- three Finals series.

Napantayan din ng Lions ang Letran sa paramihan ng NCAA title sa 16 at ikalimang titulo ito ng San Beda sa anim na sunod na paglalaro sa Finals.

“I told the players to treat this game as our last in the NCAA. I’m glad they responded well to the challenge,” wika ni Lions coach Frankie Lim.

Ang bench uli ang tumu­long sa panalong ito at si David Semerad ang lumutang nang magtala ng 15 puntos.

Pitong puntos ang gina­wa niya sa huling yugto kasama ang isang free throw sa technical foul ni Calvin Abueva at undergoal stab para itulak ang Lions sa 57-53 may 50 segundo sa orasan.

Ang pagbaligtad ng sitwasyon ang nag-alis sa kumpiyansa sa mga Stags dahil nagsasablay ang mga mahahalagang buslo nila, kasama ang tangkang tres ni Ronald Pascual may 2.6 segundo sa orasan.

Si Anjo Caram ay mayroong 10 puntos habang si Dave Marcelo ay humablot ng 16 rebounds bukod pa sa pagdepensa kay Abueva na nalimitahan sa 12 puntos lamang.

Sa ipinakitang solidong paglalaro sa Finals, si Marcelo na nasa huling taon na ng paglalaro sa NCAA ang hinirang bilang MVP sa championship series ha­bang si Lim ang itinalaga bilang Coach of the Year.

Si Pascual ang nangu­na sa Stag sa 15 puntos, kasama ang limang tres. Pero apat rito ay ginawa sa first half para katampukan ang pagkulapso ng opensa ng tropa ni coach Topex Ro­binson sa huling 20 minuto ng sagupaan.

SBC 57--D. Semerad 15, Caram 10, Villahermosa 8, Amer 7, Dela Rosa 5, K. Pascual 4, Marcelo 2, Lanete 2, A. Semerad 2, J. Pascual 2.

SSC 55 - Pascual 15, Sangalang 13, Abueva 12, Miranda 5, Dela Cruz 4, Antipuesto 4, Del Rio 2, Vitug 0.

Quarterscores: 14-15, 27-32, 48-50, 57-55.

ABUEVA

ARANETA COLISEUM

CALVIN ABUEVA

COACH OF THE YEAR

DAVE MARCELO

DAVID SEMERAD

DEL RIO

DELA CRUZ

DELA ROSA

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with