Orcollo reresbak kay Souquet

MANILA, Philippines -  Ipaghiganti ang pagkatalo na nangyari sa World Pool Masters finals ang balak ni Dennis Orcollo sa pagharap kay Ralf Souquet ng Germany sa unang yugto ng Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series sa Nobyembre 5 sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City.           

 “Lamang ako sa kanya pero natalo ako sa huli. Ang goal ko ngayon ay bawian siya,” wika ni Orcollo na lalaro rin sa SEA Games sa Indonesia sa Nobyembre.

 Si Souquet ay darating sa bansa sa Nobyembre 2 at magkakaroon ng ilang araw para makapaghanda sa one-on-one tagisan.

 Suportado ng Mega Sports World at BRKHRD Corporation sa pakikipagtulungan sa PAGCOR, PCSO, ACCEL , Diamond Table, Predator cues, Simonis cloth, San Miguel Beer Pale Pilsen, Malungai Life Oil at I-Bar, ang kompetisyon ay mapapanood din sa internet gamit ang www-megasportsworld.com at sa NBN4 tuwing Sabado.

 Ang laro ay sa race to 9, 10-ball format at bukod kina Orcollo at Souquet, balak ding imbitahin ang iba pang pinagpipitaganang dayuhang cue-artist.

Show comments