^

PSN Palaro

Back-to-back sa Lions?

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  Nakaumang ang ikalimang kampeonato sa anim na taon, makakatiyak na hihigitan pa ng San Beda ang ipinakitang laro sa mu­ling pakikipagharap sa San Sebastian sa Game Two ng 87th NCAA men’s basketball Finals ngayon sa Araneta Coliseum.

Ganap na alas-12 ng tanghali itinakda ang natatanging bakbakan sa Big Dome pero tiyak na mag-iingay ang mga panatiko ng Red Lions upang makumpleto ang asam na mabungang kampanya sa taong ito.

 Lumapit ang Lions ng isang hakbang tungo sa kampeonato nang gapiin ang Stags, 75-63, sa unang laro sa best-of-three finals series nitong Lunes.

Lahat ng hinugot ni coach Frankie Lim ay gumawa ng kanilang role sa pangunguna ni off the bench player Mar Villahermosa na gumawa ng 10 sa kanyang 15 puntos sa huling yugto, kasama ang dalawang tres, para ibaon ang Stags na nakatabla sa pagtatapos ng ikatlong yugto sa 52-all.

 Nirebisa ni Lim ang tape ng Game one pero kung mayroon isang bagay na nais na itanim niya sa kanyang bataan, ito’y ang kakayahan pa ng Stags na makabangon at makahirit ng deciding game three.

“We still have to win game two to claim the title. So let’s get this second win and go crazy,” wika ni Lim.

Si Garvo Lanete na nasa huling taon katulad nina Villahermosa at Dave Marcelo ang inaasahang babalikwas matapos malimitahan lamang sa anim na puntos ang depensa ng Stags.

 Ngunit gaganda ang tsansa ng Lions na makuha na ang titulo kung tutulong uli ang ibang role players gaya nga nina Villahermosa, Marcelo, Rome dela Rosa at Jake Pascual na pawang umiskor ng hindi bababa sa 10 puntos sa game one.

Tiniyak naman ni rookie coach Topex Robinson na hindi pa matatapos ang laban ng Stags dahil babawi sila sa larong ito.       

“Humihingi ako ng pa­umanhin sa nangyari at babawi kami,” wika ni Robinson na napatalsik din may 1:50 sa laro nang hindi umalis sa loob ng playing court matapos ang tinawag niyang timeout.

 Para mangyari ang asam na pagtabla ay dapat na manumbalik ang tikas ng mga laro nina Calvin Abueva, Ronald Pascual at Ian Sangalang.

Si Abueva na nagtala ng 21 puntos sa unang yugto ng bakbakan ay nalimitahan lamang sa 12 puntos dala ng foul trouble habang sina Pascual at Sangalang ay mayroong 14 at 10 lamang.

Maging ang bench sa pangunguna nina Anthony Del Rio, Lyle Antipuesto at Jovit dela Cruz ay dapat na kakitaan ng husay sa kabuuan ng labanan bagay na hindi nangyari dahil hindi na rin sila nakatulong sa huling yugto nang umarangkada na ang Lions.

ANTHONY DEL RIO

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

CALVIN ABUEVA

DAVE MARCELO

FRANKIE LIM

GAME TWO

IAN SANGALANG

JAKE PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with