^

PSN Palaro

POC problemado sa pagkain ng Phl delegation sa 26th SEAG

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Maliban sa wala pang napapanalisang listahan ng delegasyon, ang pagkain rin ng mga national athletes ang pinoproblema ng Phi­lippine Olympic Committee (POC) para sa darating na 26th Southeast Asian Games sa Jakarata at Palembang, Indonesia sa Nobyembre.

Sa nakaraang SEA Ga­­mes sa Laos noong 2009, nakapagdala ang POC ng kusinero para sa pagkain ng mga atleta.

“Dito sa tingin ko, lalo na sa Jakarta, medyo napa­kahirap gawin mo ‘yon,” ani deputy Chef De Mission Romeo Magat ng lawn ten­nis association. “Sa Pa­lembang, mayroong na­ki­tang dalawang bahay na puwedeng magluto. Pero may policy sila na if you cook food outside you cannot bring it inside the Athletes’ Village.”

Ang mga Indonesians ay kilalang mahihilig sa mga maanghang na pagkain na hindi naman ka­yang kainin ng mga Filipino athletes.

Matapos maging overall champion noong 2005 sa nahakot na 113 gold, 84 silver at 94 bronze medals, nahulog ang katayuan ng bansa sa SEA Games sa pagiging No. 5 (38-35-51) sa Laos noong 2009 at No. 6 (41-91-96) sa Thailand noong 2007.

Kumpiyansa naman si Indonesian SEA Games Organizing Committee director (INASOC) for Palembang Muddai Madang na makukumpleto ang athletes’ village dormitory sa oras. 

CHEF DE MISSION ROMEO MAGAT

DITO

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

JAKARATA

KUMPIYANSA

OLYMPIC COMMITTEE

PALEMBANG MUDDAI MADANG

SA PA

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with