^

PSN Palaro

Tres ng Nationals pumatay sa Saudi

-

NHA TRANG CITY, Vietnam-- Naglista ang Ener­gen Pilipinas ng 11-of-23 shoo­ting sa three-point range para ilampaso ang Saudi Arabia, 100-42, at makuha ang No. 2 seeding sa quarterfinal round ng 2nd FIBA-Asia U-16 Cham­pionship dito sa Khan Hoa Sports Center.

Una nang naglista ang Nationals ng pitong tres sa kanilang 107-28 demolisyon sa Qatar noong Sabado para sa kanilang 4-0 kartada sa Group B.

Tuluyan nang maibubulsa ng mga Filipinos ang No. 1 seed kung matatalo nila ang mga Japanese, giniba ang Indonesians, 77-46, sa kanilang laro kagabi.

“The real tournament starts against Japan so I keep telling the boys to be prepared,” sabi ni Energen Pilipinas coach Olsen Racela.

“Against Japan and the rest of our games starting in the quarterfinals, I told them we will be playing college teams,” dagdag pa nito.

Sa kanilang mga paggiba sa Saudi Arabia, Qatar, host Vietnam (111-25) at Indonesia (93-60), nagtala ang Energen Pilipinas ng average winning margin na 70.75 points a game.

Ang tagumpay sa Japan ang magbibigay sa kanila ng No. 1 seed na magta­takda sa kanilang quarterfinal showdon ng reigning West Asian champion Iraq, nalag­pasan ang 32 points ni 7-foot-1 Satnam Singh Bhamara upang kunin ang 72-64 panalo at sikwatin ang No. 4 seeding sa Group A.

Nasa Group A rin ang nagdedepensang China at South Korea.

Ang kabiguan naman sa Japan ang maghuhulog sa Energen sa No. 2 kasagupa ang mga Lebanese, ang West Asian Basketball Association second runners up na uupo sa No. 3.

Energen Pilipinas 100--Rivero 17, Heading 15, Asilum 14, Diputado 14, Ra­mos 11, Cani 8, Dalafu 8, Alejandro 6, Caracut 3, Go 2, Javelosa 2.

Saudi Arabia 42--Sakar 11, Barnawi 9, Hansawi 7, Musallam 5, Almalalah 4, Althalabi 3, Shubayli 2, Alkhammas 1.

Quarterscores: 28-12; 53-27; 76-37; 100-42.

AGAINST JAPAN

ASIA U

ENERGEN PILIPINAS

GROUP A

GROUP B

KHAN HOA SPORTS CENTER

NASA GROUP A

OLSEN RACELA

SATNAM SINGH BHAMARA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with