^

PSN Palaro

Energen dinurog ang Qatar sa FIBA-Asia Under-16

-

NHA TRANG CITY, Vietnam -- Pinaglaruan lamang ng Energen Pilipinas ang Qa­tar, 107-28, para makapasok sa quarterfinal round ng 2nd FIBA-Asia U-16 Championship dito sa Kanh Hoa Sports Center.

Nagtala si Hubert Cani ng anim sa kanyang 15 points sa first quarter, habang gu­mawa si Rev Diputado ng 12 sa kanyang 16 points sa second half.

Ito ang pangatlong sunod na panalo ng Nationals matapos talunin ang Indonesia, 93-30, at host Vietnam, 111-25, sa first round papunta sa quarterfinals ng torneong nag­lalaan ng isang silya para sa FIBA World U-17 Championship sa Kaunas, Lithua­nia sa susunod na taon.

"We're getting there," sabi ni Energen PIlipinas’ head coach Olsen Racela. "We've pla­yed some relatively weak teams the past three games and we've seen players de­veloping some bad habits.”

Ipinahinga naman ni Racela si Xavier standout Kyles Lao na may left ankle injury.

Makakatapat ng Nationals ang Saudi Arabia sa quarters kasunod ang Japan.

Energen Pilipinas 107 - Diputado 16, Cani 15, Heading 13, Caracut 13, Dalafu 10, Javelosa 10, Rivero 8,Asilum 7, Go 6, Alejandro 5, Ramos 4.

Qatar 28 - Dawoud 10, Abdelwaky 7, Saad 6, Al Marri 3, Alamhad 2, Al Ahbabi 0, Mohamed 0, Al Abidi 0, Al Tamimi 0, Al Malki 0, Al Sheraim 0, Almutawa 0.

Quarterscores: 36-6; 56-10; 85-20; 107-28.

AL ABIDI

AL AHBABI

AL MALKI

AL MARRI

AL SHERAIM

AL TAMIMI

ASIA U

ENERGEN PILIPINAS

HUBERT CANI

KANH HOA SPORTS CENTER

KYLES LAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with