^

PSN Palaro

Big City bets humataw sa 2011 UniGames

-

MANILA, Philippines - Nagpamalas kaagad ng lakas ang mga koponan mu­la sa Metro Manila nang uma­ni ng mga panalo sa ball games na nagpasimula sa 2011 PSC-Philippine Uni­versity Games kahapon sa Villareal Stadium sa Ro­xas City, Capiz.

Isang upset ang kinuha ng UST nang kanilang pa­taubin ang nagdedepen­sang kampeon sa UAAP women’s football na La Salle mula sa 3-2 panalo.

Unang umiskor ang La­dy Archers sa pamamagitan ni Charmine Guancia pero itinabla ni Marie Christine Fuertes ang laro bago ang halftime.

Umalagwa ng magka­sunod na goals sina Jae Marie Abuan (59th) at Anne Fabon (88th) para balewa­lain ang goal sa 92nd minu­te ni Pia Bravo.

Ipinakita naman ng FEU La­dy Tams ang angking pu­wer­sa ga­mit ang 5-0 panalo sa Foun­dation Uni­versity sa isa pang laro.

Binuksan ng St. Benilde ang paghahangad sa titulo sa men’s division sa 5-1 iskor laban sa Foundation University.

Nagpasikat rin ang National University sa men’s vol­leyball at women’s bas­ketball, habang ang La Salle, UP at St. Francis Of Assisi ay nanalo rin laban sa mga provincial schools.

Kumabig ang Bulldogs ng 25-15, 25-12, 25-11, panalo sa Negros Oriental University-Dumaguete sa men’s volleyball, habang ang Lady Bulldogs ay nila­pa ang Holy Angel University-Pampanga, 97-48.

Ang Archers ay nanalo sa Ateneo de Davao University, 25-8, 25-11, 25-15, para saluhan ang NU sa liderato sa men’s volleyball, habang ang Lady Maroons ay nanaig sa University of San Agustin-Iloilo, 25-21, 25-12, 25-16.

 Kinuha ng Doves ang unang panalo sa men’s bas­ketball sa 77-74 dala ng dalawang freethrows ni Den­ver Rote.

ANG ARCHERS

ANNE FABON

CHARMINE GUANCIA

DAVAO UNIVERSITY

FOUNDATION UNIVERSITY

HOLY ANGEL UNIVERSITY-PAMPANGA

JAE MARIE ABUAN

LA SALLE

LADY BULLDOGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with