Karanasan kontra kabataan
MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ni Nonito Donaire Jr. na lisanin ang bantamweight division tangan ang magandang panalo sa pagdepensa nito sa hawak na WBC/WBO titles laban sa walang talong si Omar Narvaez ng Argentina sa WaMu Theater, Madison Square Garden sa New York.
Unang pagdepensa ito ni Donaire sa titulong inagaw sa dating kampeon na si Fernando Montiel ng Mexico sa pamamagitan ng second round KO panalo noong Abril.
May 26-1 kasama ang 18 KO karta si Donaire at papasok siya sa laban tangan ang 25-fight winning streak.
Matapos ang laban ay iiwan na ni Donaire ang dibisyong ito dahil sa kahirapang abutin ang pinaglalabanang timbang.
Lumabas ang problemang ito sa weigh-in kahapon sa Peyton Room sa Affinia Hotel dahil matapos ang isinagawang shadow boxing ay pumasok ang 28-anyos na Filipino boxer sa magaan na 116.4 pounds timbang.
Lumabas na mas mabigat pa ng umakyat mula sa super flyweight na si Narvaez na pumasok sa 117-pounds.
“We think that the scale was a little bit off because we had a calibrated test scale that we used all week and on that, he was heavier,” paliwanag ng may-bahay ng Filipino Flush na si Rachel Donaire.
Pinawi naman ni trainer Robert Garcia ang anumang pangamba sa posibleng masamang epekto nito sa ipakikita ni Donaire na nasa ikaapat sa talaan ng pound for pound ng Ring Magazine.
“This was the first time he had to exercise all day. It was just a 15-minute shadow boxing thing. No big deal,” wika ni Garcia.
“He’ll probably gain about 10 to 12 pounds but that’s not going to be a problem. I know the fighter I have. I know that he is mentally and physically ready for this,” pahayag pa ni Garcia.
Handa na rin si Narvaez na ipakita ang angking husay lalo nga’t dehado siya kay Donaire sa nasabing bakbakan.
“I know Nonito from a long time ago. I know his skills well. I’m a very good boxer. I trust very much in my experience and in my fitness for this fight,” wika ni Narvaez.
Ang bakbakang ito na handog ng Top Rank ay mapapanood sa bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN mula alas-10:15 ng umaga.
- Latest
- Trending