4-peat pakay ni Alcala sa VP Binay Grand Prix
MANILA, Philippines - Hangad ni Markie Alcala na patuloy na dominahin ang age-group division sa Philippine Badminton Ranking System circuit sa kanyang hangad na four-peat sa 4th leg ng VP Binay Grand Prix Badminton Open Championships-PBaRS sa Linggo sa Powersmash sa Makati.
Tinalo ng 13-anyos na si Alcala si Alvin Morada sa ikatlong sunod na pagkakataon sa boys’ Under-15 singles category para walisin ang tatlong legs ng PBaRS series sa Manila, Bacolod at Davao.
Target ng Allied/Victor mainstay na kapatid ni top ladies Open at U-19 singles bet Malvinne na angkinin ang ikaapat na leg ng torneong inorganisa nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.
Ilan sa mga inaasahang pipigil kay Alcala ay sina Morada, Arman Manlalangit, Julius Quindoza, Patrick Gecosala, Keeyan Gabuelo, brothers Miguel and Raphael Deato, Vincent Manuel, Patrick Sumabat at Glen Lopez.
Layunin rin ni Toby Gadi na makumpleto ang isang four-leg sweep sa men’s Open singles at si Bianca Carlos naman sa girls Under-19 singles sa torneong inihahandog ng MVP Sports Foundation at Robinsons Land.
Nakataya sa Open class ng event na suportado ng PLDT Smart Foundation, Robinsons Mall, Gatorade at official equipment sponsor Victor, exclusively distributed ng PCOME Industrial Sales, Inc., ang premyong P70,000, habang ang lahat ng U-19 at U-15 winners ay tatanggap ng P20,000.
- Latest
- Trending