Indons walang binatbat sa Nationals
NHA TRANG--Nagposte sina Jay Alejandro at Kyles Lao ng pinagsamang 32 points para igiya ang Energen Pilipinas U-16 squad sa 93-30 paggupo sa Indonesia sa 2nd FIBA Asia U16 Championship sa Khanh Hoa Sports Center.
Ikinasa ng Nationals ang malaking 56-13 halftime lead upang tuluyan nang alisan ng pag-asa ang mga Indonesians.
Nagdagdag sina Isaac Go at Prince Rivero ng tig-9 points, habang may 8 markers naman si Rev Diputado.
“Alejandro is the leader of this team. Whether you start him or he comes off the bench, he will play that way,” wika ni Energen coach Olsen Racela, nakahugot rin ng tig-7 points kina Fil-Australian Jordan Heading at Hubert Cani.
Ang top three teams sa bawat grupo sa prelimina-ries ang papasok sa second round. Ang Nationals ay napasama sa isang three-nation group at tuluyan nang nakapasok sa second round.
PHILIPPINES 93--Alejandro 17, Lao 15, Go 9, Rivero 9, Diputado 8, Heading 7, Cani 7, Ramos 6, Javelosa 4, Dalafu 4, Caracut 4, Asilum 3.
INDONESIA 30--Abraham 9, Indraprasto 6, Kosasih 5, Yogia 4, Fahdani 4, Sidabutar 2, Airawan 0, Setiawan 0, Istiadi 9, Purwoko 0, Ramadhan 0, Wongso 0.
Quarterscores: 27-9, 56-13, 78-22, 93-30.
- Latest
- Trending