^

PSN Palaro

Freego, Blackwater nakauna

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Di tulad sa nagdaang edisyon, magandang pa­ni­mula ang kinuha ng Freego Jeans nang durugin nila ang PC Gilmore, 85-52, sa pagbubukas kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.

Kuminang ang mga man­lalaro ng Adamson na sina Rodney Brondial, Lester Alvarez at Eric Camson habang ang bago sa koponan na si Bacon Austria ay nakapagpasikat din para makapagdomina ang Freego Jeans mula simula hanggang natapos ang bakbakan.

 “Masaya ako dahil ang mga inaasahan kong players ay nagpakita ng magandang laro. Normally ay ma­nga­ngapa ang isang team lalo na first game nila ito,” wika ni coach Leo Austria na tiniyak ding hindi mauulit ang 0-3 panimula sa unang edisyon ng D-League.

Si Brondial ay mayroong 12 puntos habang pinagsamang 20 naman ang ginawa nina Alvarez at Camson.

Si Austria na anak ni coach Leo at napabilang sa 4-peat UAAP champion team na Ateneo ay nag-ambag ng 11 puntos para sa balanseng pag-atake.

Sinandalan naman ng Blackwater Elite ang husay ni Niel Pascual upang maisantabi ang malakas na pagbangon ng Boracay Rum tungo sa 68-65 panalo.

 Humakot ng three-point play si Pascual sa huling 20 segundo upang basagin ang 65-all tabla bago naunahan ang manlalaro ng kalabang koponan sa looseball matapos ang sablay na tres ni Kokoy Hermosisima para makasalo ang Elite sa liderato.

vuukle comment

BACON AUSTRIA

BLACKWATER ELITE

BORACAY RUM

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERIC CAMSON

FREEGO JEANS

KOKOY HERMOSISIMA

LEO AUSTRIA

LESTER ALVAREZ

NIEL PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with