Brgy. 753 at Brgy. 802 umiskor ng panalo

MANILA, Philippines - Magaang na nailistra ng Barangay 753 ang kanilang panalo, habang dumaan naman sa butas ng karayom ang Barangay 802 bago nila nakopo ang kanilang panalo nitong Sabado sa Manila leg ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championship sa Paco.

Sa Brgy. 811 covered court, inangkin ng Brgy. 753 ang kanilang panalo sa pamamagitan ng walkover laban sa Bgry. 769, habang sumandig naman ang Brgy. 802 sa tikas nina Carlo Cabral at Javier Abulencia upang itakas ang 99-98 paglusot sa Brgy. 848.

At nitong Linggo sa Sases covered court sa San Andres Bukid, nagwagi ang Brgy. 741 via walkover laban sa Brgy. 737 at pinahiya naman ng Brgy. 56 ang Brgy. 738, 112-95 sa likod nina Mike Pelayo at Pat Santos.

Ang nasabing tournament ay hatid ng Sapal Elastic Sealant, Max! Bond Super Glue, Max! Masking Tape, Max! Electrical Tape, Maxweld, Metal Guard, Red Brake Fluid, at Unilab.

Show comments