JaVale McGee sa Big Man Skills clinic sa Pinas

MANILA, Philippines - Panauhin si Washington Wizards center JaVale Mc­Gee idaraos na Big Man Skills Clinic ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas at MVP Sports Foundation Inc. sa Sabado sa Moro Lorenzo Gym.

Ang naturang clinic na nakatakda sa ala-una ng hapon ay pangangasiwaan ni Sinag-Southeast Asian Games-coach Norman Black at 17-year NBA veteran at Big Man Skills coach Alton Lister.

Ang entrance ay libre sa mga magpapatala sa SBP na tatanggapin hanggang Huwebes kung saan limitado lang ang slots.

Makipag-ugnayan kay Jhayz Pangilinan sa (02) 706-2970 o 0908-8868567 o mag-email sa jhayz.pa-ngilinan@sbp.ph.

Show comments