^

PSN Palaro

Secret Spices kakasa sa Star Group sa semis

-

MANILA, Philippines - Humatak ang Secret Spices-Wang’s Ballclub ng 83-67 panalo laban sa Gerry’s Grill upang isaayos ang kanilang semifinal showdown ng top seed Star Group of Publications sa 2011 MBL Corporate Cup basketball championship sa San Andres gym sa Malate.

Inilabas nina MJ Magbanua at Joeward Jamil sa krusyal segundo ng labanan ang kanilang matatag na pulso upang trangkuhan ang Secret Spices-Wang’s sa pagpigil sa paulit-ulit na tangkang rally ng Gerry’s Grill at angkinin ang isang tiket sa semis sa eight-team-single-round tournament na hatid ng Cebuana Lhuilier, Ironcon Builders, Dickies Underwear, PRC Couriers at WG Diner.

Tumapos sina Magbanua at Jamil ng tig-15 puntos para sa Pablo Lucas-mentored Secret Spices-Wang’s. na umabante mula sa simula hanggang sa huling bahagi ng laro, subalit kinailangan nilang maglabas ng matinding depensa upang biguin ang pagbangon ng Gerry’s Grill.

Samantala, tinalo ng Parola Maritime ang kulang sa taong Manila-Hobe Bihon, 101-79 sa isa pang knockout match at itakda ang kanilang pakikipaglaban sa No. 2 seed 100plus Isotonic Sports Drink sa semis.

 Pinangunahan nina Jomar Santos, Mark Lagrimas at Pol Santiago ang opensa ng Parola na umabante ng ilang beses sa double-digits upang sibakin ang Manila Hobe Bihon.

vuukle comment

CORPORATE CUP

DICKIES UNDERWEAR

GERRY

IRONCON BUILDERS

JOEWARD JAMIL

JOMAR SANTOS

MAGBANUA

MANILA HOBE BIHON

MANILA-HOBE BIHON

SECRET SPICES-WANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with