^

PSN Palaro

Magandang simula sa Pinoy cue artists

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Magandang simula ang ginawa nina Jundel Mazon, Lee Van Corteza at Antonio Gabica sa 2011 US Open 9-Ball Championship nang magsipanalo sa kanilang unang laban na ginawa sa Chesapeake Convention Center, Chesapeake, Virginia, USA.

 Si Mazon ang nagtala ng pinakamatinding panalo sa hanay ng mga Filipino cue artists na sumalang sa unang round ng kompetisyon nang kanyang durugin si Sean Martinez, 11-0.

 Si Corteza ay umusad sa second round sa pamamagitan ng 11-5 panalo laban kay Allen Hopkins habang si Gabica ay umukit ng 11-8 tagumpay kay John Schmidt.

 Sina Hopkins at Schmidt ay parehong mga dating kampeon ng torneo at ang una ay naghari noong 1977 at 1981 habang taong 2006 nakapagdomina ang huli.

Minalas naman ang be­teranong si Jose “Amang” Parica na nalaglag sa loser’s bracket nang lasapin ang 9-11 kabiguan kay Pahdahsong Shognosh.

Sunod na kalaban ni Mazon si Jesse Engel; si Corteza ay masusubok kay Raymond Linarez at si Gabica ay mapapalaban kay Marcel Gilbert.

Ang 2005 champion na si Alex Pagulayan ay magbubukas ng kampanya kontra kay Elias Patrikios habang sina Israel Rota at Warren Kiamco ay masusukat kina Justin Hall at Michael Yednak.

Kaunti lamang ang Filipino pool players na sumali sa taong ito dahil naunang nagkaroon ng problema ang organizers patungkol sa pondong gagamitin sa torneo.

Bukas lamang ang kompetisyon sa 256 manlalaro na sasailalim sa double elimination at ang lalabas na kampeon ay magbibitbit ng $40,000 unang gantimpala.          

Dalawang Pinoy pa lamang ang hinirang na kampeon sa itinuturing bilang pinakaprestihiyosong torneo sa 9-ball at nauna kay Pagulayan ay si Efren “Bata” Reyes noong 1994.

Si Darren Appleton ang siyang nagdedepensang kampeon na nag-bye sa first round at bubuksan ang kampanya sa ikalawang sunod na kampeonato laban kay Robert Hart.

ALEX PAGULAYAN

ALLEN HOPKINS

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIP

CHESAPEAKE CONVENTION CENTER

DALAWANG PINOY

ELIAS PATRIKIOS

GABICA

KAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with