^

PSN Palaro

Energen handa na sa FIBA-Asia U-16 championships

-

MANILA, Philippines - Gagamitin ng Energen Pilipinas U-16 team ang unang round ng eliminas­yon sa 2nd FIBA-Asia U-16 Men’s Championships bilang tune-up para sa mas matinding tagisan sa susunod na yugto ng torneo.

Umalis kahapon ang koponang hahawakan ni coach Olsen Racela patungong Nha Trang City, Vietnam upang sumali sa torneong gagawin mula Oktubre 18 hanggang 28.

May 15 bansa ang kasali sa torneo at hinati ito sa tatlong grupo. Ang mangungu­nang tatlong koponan ay aabante sa second round at ang Pilipinas na nakagrupo sa Group D kasama ang host Vietnam at Indonesia ay pawang nakatiyak nang posisyon sa second round dahil tatlo lamang sila sa grupo.

Kailangan ng pambansang koponan na magkaroon ng mas maraming laro dahil nawala sa koponan sina Arvin Tolentino, Gideon Babilonia at Radge Tongco ng San Beda at Gelo Vito ng La Salle Greenhills dahil di na pinayagan ng kanilang paaralan matapos pumasok sa NCAA juniors Final Four.

vuukle comment

ARVIN TOLENTINO

ASIA U

ENERGEN PILIPINAS U

FINAL FOUR

GELO VITO

GIDEON BABILONIA

GROUP D

LA SALLE GREENHILLS

NHA TRANG CITY

OLSEN RACELA

RADGE TONGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with