^

PSN Palaro

Tamayo kumpiyansa sa soft netters na isasabak sa 26th SEA Games

- Ni AngelineTan -

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysa­yan ng soft tennis ay mapapasama ang sport sa 26th Southeast Asian Games (SEAG) sa Indonesia.

Ang racket sport na ito ay inihanay sa mga sports na nasa category II at gagawin sa Palembang, Indonesia gamit ang bagong ga­wang Jakabaring Tennis Center mula Nobyembre 17 hanggang 21.

Tiyak na makikinabang ang Pilipinas sa pangyaya­ring ito dahil ang mga soft tennis team players ay kinikilala bilang isa sa mahu­husay sa rehiyon.

Nasa ikalimang puwesto sa rangking ang men at women teams sa Asia at kasalo ang Indonesia sa pagiging number one sa Southeast Asia nang manalo ng tig-tatlong ginto sa 2011 Southeast Asian Soft Tennis Federation (SEASTF) Open sa Laos.

Ipanlalaban ng Philippine Soft Tennis Association (PSTA) pinangunguna­han ni Col. Jeff Tamayo sa Palembang sina Sonny Noguit, Joseph at Jhomar Arcilla, Mikoff Manduriao, Jopy Mamawal, Divine Es­cala, Cheryl Macasera, Deena Rose Cruz, Bien Zoleta at Josephine Paguio.        

Bilang bahagi ng paghahanda para sa regional games, ang Pambansang koponan ay ilalaban muna sa Palembang test event mula Oktubre 14 hanggang 16 at sa World Championships mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3 sa Mungyeong, Korea.

Ang soft tennis ay ipina­kilala sa bansa noong 1993 ni Dr/Col. Antonio Laperal Tamayo na siya ring iniupo bilang president emeritus ng PSTA.

Tatayong coach ng Pam­bansang koponan si Michael Enriquez habang si Frank Gusi na sports director ng San Sebastian ang uupo bilang team manager dahil sa pagtutulungan ng NCAA at PSTA sa pagpapalawig ng sport sa bansa.

Si Jovy Mamawal ang itinalaga ng Asian Soft Tennis Federation bilang Technical Delegate.

vuukle comment

ANTONIO LAPERAL TAMAYO

ASIAN SOFT TENNIS FEDERATION

BIEN ZOLETA

CHERYL MACASERA

DEENA ROSE CRUZ

DIVINE ES

FRANK GUSI

PALEMBANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with