MANILA, Philippines - Nakatakdang sumabak ang mga PBA D-League teams na Pacific Pipes, PC Gilmore, Cafe France at Cebuana Lhuillier Gems sa Cebuana Lhuillier-Pera Padala Invitationals.
Haharapin ng Pacific Pipes ang PC Gilmore sa opening game ngayong alas-1 ng hapon kasunod ang banggaan ng Cafe France at Cebuana Lhuillier Gems sa alas-3 sa The Arena sa San Juan.
Ang Cebuana Lhuillier-Pera Padala Invitationals ay nasa ilalim ng pamamahala ni PBA D-League Commissioner Atty. Angelico T. Salud.