6 Pinoy wushu artist pasok sa q'finals sa World Championships

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang ma­ba­­ngis ng porma ng anim na sanda artist ng Pilipinas upang makapasok sa quarterfinals sa idina­daos na 11th Wushu World Championships sa Ankara, Turkey.

Sina Mark Eddiva, Francisco Solis at Benjie Rivera ay magtatangkang selyuhan na ang bronze medals sa larong gagawin sa Miyerkules ng gabi.

Nakarating ang tatlo sa quarterfinals matapos manalo sa kanilang hu­ling laro at si Eddiva ay nangibabaw kay Sliti Zied ng Tunisi; si Eddiva ay lumusot kay Labi Amine ng Algeria at si Solis ay nanalo kay Ilyas Nuryyev ng Turkmenistan.

Kinailangan ni Solis na humugot ng tibay ng loob matapos masapol ng round house mula sa katunggali para bilangan ng referee.

Sina Mary Jane Estimar, Dembert Arcit at Rhea Mae Rifani ay nakaabante na rin sa quarterfinals sa kababaihan habang sina Marianne Mariano at Jessie Aligaga ay palaban pa sa puwesto sa Last 8.

Nalagas naman ang panlaban ng bansa sa sanda na dating sanshou nang matalo ang beteranong si Edward Folayang kay Sajjad Abbasiamir ng Iran na 2010 World Cup champion.

“This is very exciting although we expect the matches to be a whole tougher in the next two days. We need the prayers of our countrymen more than ever,” wika ni Julian Camacho, ang secretary-general ng Wushu Fede­ration Philippines (WFP).

Show comments