Azkals may ibubuga pa--Weiss
MANILA, Philippines - Iginiit uli ni German football coach ng Azkals Michael Weiss ang paniniwalang may ibubuga ang Pilipinas sa larong football at patuloy na hiningi ang suporta at paniniwala sa kakayahan ng koponan.
“I see good future of the Azkals. We just need to play more matches,” wika ni Weiss matapos kunin ng koponan ang di inaasahang 4-0 shutout panalo sa Nepal sa international friendly match nitong Martes ng gabi sa Rizal Memorial Football Field.
Kahit ang English coach ng Nepal na si Graham Roberts ay sumaludo sa ipinakita ng host team na ang FIFA ranking ay nasa 166 habang ang bisitang koponan ay nasa 136.
“Rankings is not a great deal and low rank doesn’t mean they are weak,” wika ni Roberts.
“They (Azkals) were superb. I have to praise them because they played better football.You get punished if you don’t play good football,” dagdag pa nito.
Ang friendly game laban sa Nepal ay ikaapat ng Azkals sa loob ng pitong araw at matapos ang ilang araw na pahinga, tutungo ang koponan sa Japan para sa training camp.
Makakasama rito ang manlalarong hinuhubog para sa SEAG bukod pa sa senior team na inihahanda naman sa 2012 AFC Challenge Cup sa Nepal sa Abril.
- Latest
- Trending