^

PSN Palaro

Azkals isasabak pa sa Fifa-sanctioned friendly games

- Olmin Leyba -

MANILA, Philippines - Sa hangaring pagsamahin sa isang laro ang ka­nilang mga best players, maghahanap ang Philippine Football Federation (PFF) ng mga Fifa-sanctioned international friendlies para sa Azkals.

 Nakipaglaro ang Azkals (166th) laban sa higher-ranked Singapore (136th) at Nepal (135th) para samantalahin ang Fifa calendar days ngayong buwan at dinala ang mga pros na nakabase sa Europe.

 “We have to bring them (Europe-based players) here or somewhere during the Fifa calendar days so they can (join the Azkals and) play against other national teams,” sabi ni PFF president Nonong Araneta. Ipinasok ng Fifa ang mga “international match days” sa kanilang calendar.

Ang susunod na friendly match ay nakatakda sa Nobyembrfe 11-15 ngunit maaaring hindi na ito kunin ng PFF dahil makakasabay nito ang pagsabak ng under-23 sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia.

Sa susunod na taon ay may nakatakdang friendly match day sa Pebrero 29.

AZKALS

FIFA

IPINASOK

NAKIPAGLARO

NOBYEMBRFE

NONONG ARANETA

PEBRERO

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with