Pacquiao dumating na sa Los Angeles

MANILA, Philippines - Dumating si Manny Pac­quiao sa Los Angeles, California para sa ikala­wang yugto ng kanyang pag­hahanda sa kanilang ‘tri­logy’ ni Juan Manuel Mar­quez.

Isang four-week training ang itinakda ni four-time Trainer of the Year Freddie Roach para sa Filipino world eight-division champion sa kanyang Wild Card Bo­xing Gym sa Hollywood, California.

Tinapos ni Pacquiao ang kanyang three-week, high altitude training sa Ba­guio City kasama sina Roach at strength and con­di­tioning coach Alex Ariza.

Sa kabila ng panana­lasa ng mga bagyong sina ‘Pedring’ at ‘Quiel’, itinuloy pa rin nina Pacquiao at Jorge Linares ng Venezuela ang kanilang sparring ses­sion.

Itataya ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang suot na WBO welterweight belt la­ban kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada.

Ito ang pangatlong pagkakataon na magsasagupa ang 32-anyos na si Pacquiao at ang 38-anyos na si Marquez, ang kasaluku­yang world lightweight titlist.

Samantala, sinabi ni world bantamweight king Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na mapa­pa­bagsak ni Pac­quiao si Marquez saan man sa round six o eight. 

Show comments