^

PSN Palaro

Lanete, Semerad ng Bedans kapwa nahirang na NCAA PoW

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sa panahong nala­gay sa foul trouble ang ka­nilang malalaking pla­yers ay sumandal ang nagde­depensang San Beda sa kanilang mga shooters para okupahan na ang ikalawa at huling twice to beat sa pa­mamagitan ng 84-68 pa­nalo sa Letran nitong Biyernes sa 87th NCAA men’s basketball.

Nakitaan ng pinakama­gandang laro sa taon si Anthony Semerad sa kanyang 16 puntos, kasama ang 11 sa huling yugto pero ang tunay na nagpasikat sa kabuuan ng labanan ay ang beteranong si Garvo Lanete.

Tumapos si Lanete tag­lay ang 28 puntos bukod sa tatlong tres at siyang gumawa nang unti-unting nilayuan ang Knights sa second period.

“He’s really a big time player,” wika ni Lions coach Frankie Lim sa ginawa ni Lanete.

Ang panalo ay ika-15 panalo sa 17 laro ng Lions para pormal na kunin ang insentibo at ang Knights ay nalaglag sa ikatlong puwesto nang tapusin ang double round elimination sa 14-4 baraha.

Sa ipinakita ni Lanete ay hinirang siya bilang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week na handog din ng Gatorade.

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

BIYERNES

FRANKIE LIM

GARVO LANETE

GATORADE

LETRAN

NAKITAAN

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

SAN BEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with