^

PSN Palaro

Barriga susuntok sa olympics

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bigo man sa labanan ay lalaro pa rin sa London Olym­pics ang 18-anyos na si Mark Anthony Barriga.

Nakuha ng Pilipinas ang unang boksingero na nakatiyak ng puwesto sa 2012 Olympics matapos palarin ang Beijing Olympics gold medalist Zhou Shiming na nakapasok sa Finals sa light flyweight division sa idina­daos na 2011 AIBA World Boxing Championships sa Baku, Azerbaijan.

Tinalo ni Shiming, kampeon din sa dibisyon noong 2005 at 2007 World Championships si David Ayrapet­yan ng Russia, 15-8, sa se­mifinals para pumasok sa gold medal bout.

Ang mga boksingerong umabante sa quarterfinals sa weight classes maliban sa heavyweight at super heavyweight ay awtomati­kong may puwesto na sa London Olympics.

Pero dahil 10 boksingero ang aabante sa mga lower weights, ang mga boksinge­rong tinalo ng mga nasa Finals sa third round ay mabibigyan din ng puwesto sa London Games.

Si Barriga na unang na­nalo kay Stefan Caslarov ng Romania, 12-5, at kay Patrick Barnes ng Ireland, 20-12, ay yumukod kay Zhou, 12-5, sa tagisan para sa quarterfinals.

Tanging si Barriga lamang ang pinalad dahil ka­ilangang sumalang pa ni Guangzhou Asian Games gold medalist Rey Saludar sa flyweight sa ikalawa at huling Olympic qualifying sa susunod na taon nang matalo si two-time Olympian Rau’shee Warren ng USA kay Misha Aloyan ng Russia, 13-17.

Si Warren ay unang hu­mirit ng 22-12 panalo sa 23-anyos na si Saludar sa third round.

Ang ikalawa at huling Olympic qualifying event ay itinakda sa April 1 hanggang 8 sa Kazakhstan at bukas lamang sa Asian countries pero ang mga finalists ng bawat dibisyon lamang ang aabante sa London.

Sa pagkausad ni Barri­ga sa London ay napantayan ng Pilipinas ang isang manlalaro na naipasok din ng ka­ribal na Thailand nang si Kaew Pongprayoon ay umabante matapos makapasok sa semifinals sa light flyweight division gamit ang 23-8 tagumpay kay Salman Alizade ng Azerbaijan.

Nalaglag na rin sa laban sa gold medal si Pongpra­yoon nang mabigo kay Zhou sa 14-8 iskor.

AZERBAIJAN

BEIJING OLYMPICS

DAVID AYRAPET

GUANGZHOU ASIAN GAMES

KAEW PONGPRAYOON

LONDON GAMES

LONDON OLYM

LONDON OLYMPICS

MARK ANTHONY BARRIGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with