MANILA, Philippines - Hindi man nagbigay ng kanyang prediksyon, tiwala naman si national coach Norman Black sa kakayahan ng hawak na koponan na manalo ng gintong medalya sa 26th SEA Games men’s basketball sa Nobyembre sa Indonesia.
“I don’t give assurance because I can’t predict the future. But we have very good chance and I’m going there with the idea of winning the championship,” wika ni Black kahapon sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura, Malate.
Sariwa sa pagkapanalo ng ikaapat na sunod na UAAP title para sa Ateneo, tinuran ni Black na nasa kanyang panig ang 18 mahuhusay na manlalaro na handang magsakripisyo para sa bansa sa 2011 SEA Games.
Nangunguna sa national pool ay ang mga Smart Gilas players na sina 6-foot-11 naturalized center Marcus Douthit at Chris Tiu bukod pa sa mga Blue Eagles na sina Nico Salva, Emman Monfort, Greg Slaughter, Kiefer Ravena at Justin Chua.
Isinama pa sina UAAP MVP Bobby Ray Parks Jr. bukod pa kina Jerick Teng ng UST, Ronald Pascual at Ian Sangalang ng San Sebastian, Jake Pascual at Garvo Lanete ng San Beda, RR Garcia ng FEU at mga Fil-Ams na sina Chris Hodge, Chris Ellis, Chris Newsome at Keith Jensen.
Umaasa si Black na makakasama si Douthit sa koponan upang mas tumibay ang hangaring kampeonato sa SEAG.
Ngunit hindi ituloy nito ang balak na maglaro sa Chinese Basketball League bilang import, kukunin ni Black si 6’6 Aldrech Ramos ng FEU.
“If Douthit will play in China, I will invite Ramos to join the team,” sabi ni Black.