7th leg ng motocross at 8th leg ng JYL CEO Invitational series
MANILA, Philippines - Muling masasaksihan ang pamosong drama at aksyon sa 7th Leg ng 2011 Philippine National Motocross Series at 8th Leg ng JYL CEO Invitational Series na humarurot noong nakaraang buwan sa Molino, Cavite.
Saksihan ang husay at pakitang-gilas sa Motocross, sa pangunguna ng beteranong rider at Motocross Poster boy na si Glen Aguilar.
Muli niyang patutunayan ang kanyang superyoridad sa dirt arena.
Panoorin rin ang celebrity rider na si Sam Milby na patutunayan hindi lamang sa kanyang husay na pagganap sa mga pelikula kundi gayundin sa pag-mekaniko at mapalakas ang kanyang custom-made motor bike.
Ang lahat ng ito ay mapapanood sa SelJ Sports Motocross TV sa Studio 23.
- Latest
- Trending