^

PSN Palaro

Bates kukuning coach ng Patriots

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Nang bumalik sa Pilipinas si PBA Best Import Billy Ray Bates para sa pagluluklok sa kanya sa PBA Hall of Fame sa pagbubukas ng 37th season ng PBA noong Linggo ay may naisip na siyang opsyon.

Sinabi ni Bates, kinila­lang ‘Black Superman’ sa PBA matapos matulungan ang Crispa Redmanizers sa ikalawang PBA Grandslam nito noong 1983 at gumiya sa Anejo Rhum noong 1986 hanggang 19­88 para sa kanyang huling paglalaro, na gusto niyang manatili sa bansa.

“It would bring in more fans, you know what I mean. Because people would want to see The Black Superman,” ani Bates sa pangarap niyang pagiging coach sa PBA.

Isa ang Philippine Patriots, kumakampanya sa Asean Basketball League (ABL), sa nagkaroon naman ng interes sa 55-an­yos na si Bates, gustong sumunod sa mga yapak nina Norman Black at Bobby Parks na mga coaches ngayon ng UAAP four-peat champions Ateneo Blue Eagles at ABL expansion team na San Miguel.

Ayon kay Patriots co-owner Mikee Romero, kukunin nila ang serbisyo ni Bates bilang skills coach.

Pinag-uusapan rin ang pagkuhang muli ng Grosby Shoes kay Bates, nagtrabaho sa isang recycling company sa United States, para sa kanilang ilalabas na “Black Superman Snic­kers.”

ANEJO RHUM

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

ATENEO BLUE EAGLES

BEST IMPORT BILLY RAY BATES

BLACK SUPERMAN

BLACK SUPERMAN SNIC

BOBBY PARKS

CRISPA REDMANIZERS

GROSBY SHOES

HALL OF FAME

MIKEE ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with