^

PSN Palaro

Texters, Bolts magkakasubukan

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sisimulan ng Talk ‘N Text ang kanilang pagta­tanggol sa korona sa pagsagupa sa sister team na Meralco ngayong alas-7:30 ng gabi sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Maglalaban naman sa inisyal na laro sa alas-5:15 ng hapon ang Petron Blaze at ang Barako Bull, dating Air21.

Ang Tropang Texters ang nagkampeon sa naka­raang PBA Philippine Cup at Commissioners’ Cup, habang tinalo naman sila ng Boosters para sa PBA Governors Cup.

Samantala, natapos na ang isyu ukol sa pagpirma ni Mark Borboran, naging unrestricted free agent sa Alaska, sa isang three-year offer sheet sa Petron Blaze na kaagaw ng Meralco sa kanyang serbisyo.

Nagdesisyon si PBA Commissioner Chito Salud na pahalagahan ang pagkakaroon ng Aces ng right of first refusal para sa susu­nod na taon kaugnay sa 6-foot-4 na si Borboran na may kontrata pa sa Alaska hanggang Agosto 31.

Dinala ng Aces si Bor­bo­ran, produkto ng Univer­sity of the East, sa Bolts para sa 2014 second round overall pick nito. Ngunit hin­di ito tinanggap ni Salud.

Matapos idagdag ng Meralco ang kanilang 2013 second round draft pick para makuha si Borboran ay naplantsa na ang natu­rang trade nila sa Alaska, hahawakan ni dating assis­tant Joel Banal matapos lumipat si Tim Cone sa B-Meg bago magsimula ang 37th PBA season.

Subalit nakapirma na si Borboran ng offer sheet sa Boosters kung saan makakatanggap siya ng P275,000 a month salary sa kanyang unang taon, P300,000 sa ikalawa at P350,000 sa ikatlo.

Tinapatan naman ito ng Bolts kasunod ang pag-apruba ni Salud para sa tuluyan nang paglalaro ni Borboran sa tropa ni Ryan Gregorio.

Si Borboran, nakatulong ng Aces sa pagkakampeon sa nakaraang 2010 PBA Commissioner’s Cup, ang 6th overall pick ng Express sa 2008 PBA Rookie Draft.

vuukle comment

ANG TROPANG TEXTERS

ANTIPOLO CITY

BARAKO BULL

BORBORAN

COMMISSIONER CHITO SALUD

GOVERNORS CUP

MERALCO

PETRON BLAZE

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with