Powerade pinayukod ang Shopinas.com

MANILA, Philippines - Maski ang hindi paglala­ro ni 2011 No. 1 overall pick JV Casio ay hindi naramdaman ng mga Tigers.

Sa likod ng 31 points ni Gary David, tinalo ng Po­­wer­ade ang Shopinas.com, 98-87, sa elimination round ng 2011-2012 PBA Phi­lippine Cup kagabi sa Cu­neta Astrodome sa Pasay City.

Ipinahinga ni coach Bo Perasol si Casio, miyembro ng Smart Gilas Pilipinas na nagtapos bilang fourth-pla­cer sa nakaraang FIBA-Asia Men’s Championship sa Wuhan, China, dahil sa na­bugbog nitong tuhod.

Kaagad na ipinoste ng Tigers ang isang 19-point lead, 37-16, sa first period hanggang makadikit ang Clickers mula kina Ren-Ren Ritualo, Jr., Jojo Dun­cil, Khazim Mirza at Ja­mes Sena sa 51-55 sa pag­bungad ng third quarter.

Muling nakalayo ang Po­werade sa pagsisimula ng final canto, 83-81, galing ki­na David at Josh Vanlan­dingham.

Isang maikling 10-4 ata­ke ang ginawa nina Ritualo, nagsalpak ng dalawang three-point shots, Sena at Duncil upang muling ilapit ang Shopinas sa 81-87 sa 8:21 nito.

Powerade 98 - David 31, Cruz 15, Vanlan­dingham 14, Lassiter 10, Antonio 8, Lingganay 6, Kramer 6, Anthony 4, Calimag 4, Adducul 0.

Shopinas.com 87 - Ritualo 19, Sena 15, Duncil 11, Mirza 9, Sison 8, Hermida 7, Espiritu 6, Jazul 6, Menor 6, Canlas 0, Canta 0, Se 0.

Quarterscores: 37-16, 55-42, 79-71, 98-87.

Show comments