VP Binay GP badminton mas maaksyon

MANILA, Philippines - Magagandang mga laro at matitinding aksyon ang matutunghayan sa VP Binay Grand Prix Badminton Open Championships-PBaRS 4th leg na nakatakda sa Oktubre 23-29 sa PowerSmash sa Makati.

Sinabi ng nag-oorganisang Philippine Badminton Ranking System na bukas pa rin ang pagpapatala at ang event ay bukas sa lahat kasama na ang mga beginners na gustong makaranas ng big-time competitions laban sa mga bigating players.

Ang deadline ay naka­takda sa Biyernes sa PBaRS office (20. E. Mac­lang St. San Juan). Ang elims ay lalaruin sa Power­Smash, habang ang quarterfinals, semifinals at finals ay gagawin sa Philsports Arena o sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ang event, inihahandog ng MVP Sports Foundation at Robinsons Land Corp., ang tatapos sa four-leg nationwide circuit na itinakda nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.

Ang mga events ay ang Open, Under-19 at Under-15 divisions sa men’s at ladies singles at men’s at ladies doubles at mixed doubles categories na may nakata­yang P1 milyon premyo.

Show comments