^

PSN Palaro

Mapua pinatalsik ng JRU

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tinapos na ng Jose Ri­zal University ang kampanya ng Mapua sa 87th NCAA men’s basketball gamit ang 78-64 panalo kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi naapektuhan ng 10 araw na bakasyon ang magandang ball movement at team work ng Heavy Bom­bers upang dominahin nila ang Cardinals mula sa simula hanggang matapos ang laro at patalsikin ang katunggali sa kabuuang 7-11 karta sa double round elimination.

Umangat naman ang Bombers sa 8-9 karta at na­katiyak na ng playoff para sa ikaapat at huling puwesto na aabante sa Final Four.

Pero diretso na abante ang JRU sa semifinals kung matalo ang Lyceum sa ka­nilang laro kontra sa San Se­bastian o manalo ang Bombers sa huling laban kontra sa Emilio Aguinaldo College.

Apat na Bombers ang umiskor ng mahigit na 12 puntos at isa sa malaking diperensya sa kanilang laro kontra sa Cardinals ay ang kanilang 17 assists laban sa mahinang 8 lamang ng kalaban.

Si Allan Mangahas ay nagtala ng 22 puntos upang pangunahan ang lahat ng scorers pero ininda ng Mapua ang disciplinary action ng koponan laban kay 6’7 Yousef Taha para mawalan ng puwersa sa ilalim.

Dumikit naman ang Letran sa nagdedepensang San Beda sa kalahating larong agwat nang mangi­babaw sa St. Benilde, 72-60, sa unang bakbakan.

Ang panalo ng Knights ay nangyari matapos pahintuin ang 15-game winning streak ng San Sebastian noong Biyernes gamit ang 82-81 overtime, at ang 2-game winning streak ay magpapataas sa morale ng koponan sa pagbangga nila sa Lions sa kanilang huling laro sa Biyernes.

BIYERNES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

HEAVY BOM

JOSE RI

MAPUA

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SE

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with