^

PSN Palaro

Oconer bida sa Stage 5

-

MANILA, Philippines - Kumawala sa huling 700 metro ang national ju­nior rider na si George Oconer para mapagharian ang Batangas-Tagaytay Stage five ng 2011 LBC Ronda Pilipinas kahapon.

Nagrematehan sina Oconer at beteranong si Irish Valenzuela pero naunang naitawid ni Oconer ang kanyang gulong para opisyal na makuha ang stage win.

Iisang oras ang dalawang siklista sa inilistang tiyempong isang oras, 24 minuto at 9.6 segundo at nakatulong ito ng malaki kay Oconer na dumikit pa sa tagisan para sa overall individual.

“I just gave it all in the final stretch, I didn’t even notice that there was someone (Valenzuela) behind me,” ani Oconer matapos mapagwagian ang natu-rang karera.

Si Joel Calderon na si­­yang may hawak ng li­de­rato ay tumapos sa pang-apat na puwesto sa 1:24:21.9 para sa 17:48:18 nangungunang tiyempo.

Pero kailangan niyang ingatan si Oconer dahil kapos na lamang ito ng 12 segundo sa pangalawang puwesto.

Kumulekta ng P50,000 premyo si Oconer sa stage win at tiyak na makakatulong ito para mapataas ang morale papasok sa susunod na stage na magsisimula sa Quezon City at magtatapos sa Tarlac.

BATANGAS-TAGAYTAY STAGE

GEORGE OCONER

IISANG

IRISH VALENZUELA

KUMAWALA

KUMULEKTA

OCONER

QUEZON CITY

RONDA PILIPINAS

SI JOEL CALDERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with