Juan Ma pahihirapan ni Pacquiao - Roach
BAGUIO CITY, Philippines - Ang pagkakaroon ni Manny Pacquiao ng isang multi-dimensional boxing style ang magpapahirap kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez.
Ito ang paniniwala ni trainer Freddie Roach sa kabila ng mga ulat na pinabagsak umano ni Marquez ang kanyang sparring partner.
Sinabi naman ni Roach, nasa kanilang ikalawang linggo ni Pacquiao sa training camp, na wala siyang pakialam kung napatulog man ng Mexican counterpuncher ang kanyang sparring partners sa training camp.
“I have no problem with it and his sparring mate could not last for about 80 seconds and I’m sure they are not Manny Pacquiao,” wika ni Roach.
Nauna nang inihayag ni Roach na isang knockout win para kay Pacquiao laban kay Marquez mula na rin sa pag-focus nila sa speed, sharpness at timing ng eight weight division champion.
Ayon kay Roach, ang multi-dimensional game ni Pacquiao ang kanilang magiging sandata laban kay Marquez sa Nobyembre 12 para sa WBO welterweight crown sa MGM Grand in Las Vegas, Nevada.
Ang knockout, ayon kay Pacquiao, ang tuluyan nang tatapos sa usapin kung sino sa kanila ni Marquez ang tunay na magaling.
Sinabi ng strength and conditioning coach ni Pacquiao na si Alex Ariza na maaaring hindi na umabot si Marquez sa sixth round.
“It will be earlier than you would think,” sambit ni Ariza.
Si Ariza ay nanatili na sa kampo ni Pacquiao matapos ang David Diaz fight na kinumbinsi ang Filipino champion na magdagdag ng muscle na hindi isinasakripisyo ang kanyang bilis.
“He is more complete now. He has much more speed, power and explosiveness,” wika ni Ariza.
- Latest
- Trending