100plus, Parola umiskor ng panalo

MANILA, Philippines - Naungusan ng 100plus Isotonic Sports Drink ang Manila-Hobe Bihon, 73-71, upang patatagin ang ka­nilang tsansa sa MBL Corporate Cup basketball championship sa San Andres gym sa Malate.

Ang dating Lyceum of the Philippines standouts Rhum Perry Scott at Bodie Balmaceda ang nagpasik­lab ng husto para sa 100­plus, na nangailangan ng malakas na finishing kick upang maitakas ang kanilang ikatlong panalo sa limang laro sa eight-team tournament na itinatagu­yod ng Cebuana Lhuillier, Ironcon Builders, Dickies Underwear, PRC Couriers at WG Diner. 

Samantala, naitakas ng Parola Maritime ang isang makapigil-hinigang 104-98 panalo sa overtime laban sa Makati Medical Center upag makasalo ang Star Group of Publications sa li­derato sa kanilang 5-1 win-loss slates.

Si Pol Santiago ay gu­­mawa ng 30 puntos, ka­sama na ang anim sa extra period, para selyuhan ang panalo para sa Sea Lions ni playing coach Biboy Simon.

Show comments