^

PSN Palaro

Saludar Nakasilat Sa Baku

-

BAKU, Azerbaijan - Ma­tapos si Mark Anthony Barriga, si 2010 Guangzhou Asian Games gold meda­list Rey Saludar naman ang nagbigay ng ikalawang sunod na panalo sa PLDT-ABAP national team sa World Boxing Championships sa Hayder Aliyev Stadium here.

Tinalo ni Saludar, luma-laban sa 52-kilogram flyweight division, si Canadian Kenny Lally, 21-20, matapos ang opening victory ni Barriga kay Stefan Caslarov ng Romania, 12-5.

Umiskor mula sa kanyang hard left straights kay Lally, kinuha ni Saludar ang 9-6 lamang sa first round at 16-12 sa second round patungo sa kanyang ta-gumpay.

Nakatakda namang ha-rapin ni 2006 Asian Games gold medal winner Joan Tipon si Argentina bet Albert Melian ngayon sa nasabing Olympic qualifying tournament na nagtatampok sa 570 boxers mula sa 130 countries.

Makakatapat ni Delfin Boholst bukas si the Netherlands pride Stephen Danyo.

Sasagupain rin ni Rolando Tacuyan si Mehdi Toloutibandpi ng Iran bukas, habang makakasubukan ni Charly Suarez sa Oktubre 1 si Ecuadorian Luis Porozo.

Nakatakda ang ikala-wang laban ni Barriga sa Oktubre 3 laban kay seed Patrick Barnes ng Ireland.

Sakaling manalo si Barria kay Barnes, susunod niyang makakalaban si Chinese Olympic gold medalist Zou Shiming, giniba si Juan Medina ng Dominican Republic, 17-9, noong Lunes.

Tatlong panalo ang kailangan ng isang boxer para makapasok sa quarterfinals.

Dahil naman sa pagka-karoon ng 10 qualifiers, ang dalawang boxers sa round of 16 na matatalo sa tatanghaling gold at silver medalists sa kanilang division ay maaaring makalaro sa 2012 Olympic Games sa London.

ALBERT MELIAN

ASIAN GAMES

BARRIGA

CANADIAN KENNY LALLY

CHARLY SUAREZ

CHINESE OLYMPIC

DELFIN BOHOLST

DOMINICAN REPUBLIC

ECUADORIAN LUIS POROZO

GUANGZHOU ASIAN GAMES

HAYDER ALIYEV STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with