^

PSN Palaro

KO ang nais ni Roach

- Artemio Dumlao -

BAGUIO, Philippines - Sinabi kahapon ni Freddie Roach na hindi lamang panalo ang gustong makuha ni Manny Pacquiao sa kanilang laban ni Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12 kundi ang isang knockout.

“Victory is no longer enough. I want Manny to KO Marquez,” wika ni Roach kahapon.

 Nagbigay na ng kanyang prediksyon ang mul­ti-awarded coach na pababagsakin ni Pacquiao si Marquez sa “no more than six rounds” sa kanilang pangatlong paghaharap sa loob ng walong taon.

Una silang nagharap noong 2004 sa pamamagitan ng isang controversial draw at nanaig naman si Pacquiao sa kanilang rematch noong 2008.

Ngayon, sinabi ni Roach na gusto niyang mapatulog ni Pacquiao si Marquez para tapusin na ang usapin kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na magaling.

 Tiniyak rin niya sa mga fans ni Pacquiao na magpapakita ito ng naiibang istilo.

 “Manny won’t fight him the way he did in the past,” wika ni Roach kay Pacquiao na inihulog na ang kanyang “nice guy” attitude laban kay Marquez.

“No more Mr. Nice Guy,” sabi ni Roach.

 “That’s difficult. How can you teach not to be when he is the nicest person around,” dagdag pa nito kay Pacquiao, nasa kanyang ikalawang linggo ng high altitude training para sa kanilang laban ng Mexican warrior.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

MR. NICE GUY

NAGBIGAY

NGAYON

NOBYEMBRE

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with