^

PSN Palaro

Le Tour de Filipinas papadyak sa Abril 2012

-

MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang Le Tour De Filipinas (LTDF) bilang pinakaprestihiyosong cycling event sa ban­sa matapos ilagay uli ng international body na Union Cycliste Internationale (UCI) ang karerang ito sa kanilang kalendaryo sa 2012.

Sa isinagawang World Congress sa Vancouver ay nagdesisyon ang pamu­nuan ng UCI na ilagay ang ikatlong edisyon ng LTDF mula Abril 14 hanggang 17.

Ang Le Tour De Filipinas ay isang Category 2.2 at isang men elite race.

Utak ng pakarerang ito ay si cycling patron Bert Lina habang ang Dynamic Outsource Solutions, Inc. (DOS-I) ang siyang organi­zers.

Dahil sa patuloy na bas­bas ng UCI, tiyak pa rin ang pagdalo ng mga bigating dayuhang siklista na magpapatingkad sa kompetisyon.

Ang unang edisyon ay dinomina ni David McCann ng Ireland at kumampanya sa ilalim ng Giant Asia team habang si Rahim Emami ng Iran ang nanalo sa ika­la­wang taon gamit ang tan­yag na Azad University.

Bagamat malakas pa rin ang mga dayuhan, bi­­nibigyan naman ng ma­gandang laban ang mga Fili­pino cyclists lalo nga’t unti-unti na nilang nagagamayan ang makaharap ang mga mahuhusay na dayuhang katunggali.

ANG LE TOUR DE FILIPINAS

AZAD UNIVERSITY

BERT LINA

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTIONS

GIANT ASIA

LE TOUR DE FILIPINAS

RAHIM EMAMI

SHY

UNION CYCLISTE INTERNATIONALE

WORLD CONGRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with