^

PSN Palaro

Barriga buwenamano ng Pinas

-

BAKU, Azerbaijan-- Umis­kor si Mark Anthony Barriga ng unang panalo ng PLDT-ABAP National Team sa World Boxing Championships dito sa Hayder Aliyev Stadium.

Ito ay matapos niyang ta­lunin si Stefan Caslarov ng Romania, 12-5, sa una ni­yang laban sa torneong tumatayong qualifying event para sa 2012 Olympic Ga­mes sa London.

Bagamat itinutulak ng Romanian, naging matiyaga naman ang 18-anyos na si Barriga sa pagsunod sa kanilang game plan.

“Float like a butterfly and sting like a bee,” wika ni Barriga habang papasakay ng van kasama ang iba pang miyembro ng national team sa paggaya sa linya ni bo­xing great Muhammad Ali.

Nakipagpalitan rin ng jokes si Barriga sa kanyang mga coaches at kakampi sa pagsasabing kinaila­ngan niyang suntukin ng mas malakas ang kanyang kalaban, ‘masakit din pala siya sumuntok.’

Nakuha ng Panabo, Da­vao del Norte native ang 6-2 lamang sa first round at 9-3 abante sa second round laban kay Caslarov.

Makakalaban ni Barriga sa second round sa Oktu­bre 3 si 8th seed Patrick Bar­nes ng Ireland. At sakaling manaig, makakatapat niya si Chinese Olympic gold me­dalist Zou Shiming, ti­­nalo si Juan Medina ng Do­minican Republic, 17-9.

Nakatakda namang ha-rapin ni South Cotabato native Rey Saludar, kumuha ng gold medal sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China, ngayong araw si Canadian Tanjit Lally.

Bukas ay lalabanan ni Joan Tipon si Alberto Melian ng Argentina kasunod ang pakikipagtagpo ni Delfin Bo­holst kay Stephen Danyo ng the Netherlands sa Biyernes.

Makakatapat ni Rolando Tacuyan sa Set­yembre 30 si Mehdi Tolouti­bandpi ng Iran at makakaharap ni Charly Suarez sa Oktubre 1 sa lightweight match si Ecuadorian Luis Porozo.

ALBERTO MELIAN

ASIAN GAMES

BARRIGA

CANADIAN TANJIT

CHARLY SUAREZ

CHINESE OLYMPIC

DELFIN BO

ECUADORIAN LUIS POROZO

HAYDER ALIYEV STADIUM

JOAN TIPON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with