^

PSN Palaro

Cuello, Lopez umiskor ng panalo sa Mexico

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Umiskor ng mahahalagang panalo sina WBC International minimumweight champion Denver Cuello at super flyweight Sylvester Lopez sa Plaza de Toros sa Juriquilla, Queretaro, Mexico upang makalapit sa kani-kanilang title shot.

Pinabagsak ng 24-an­yos na si Cuello si Sebas­tian Arcos, pumalit kay Patricio Camacho, sa 2:24 sa third round ng kanilang non-title fight.

Makakasagupa ni Cuello, may 28-4-6 win-loss-draw ring record ka­sama ang 18 KOs, si Mexican Carlos Perez para sa bakanteng WBC silver minimumweight title sa Los Cabos sa Oktubre 15 para sa haharap naman kay No. 1 contender Ganigan Lopez.

Paglalabanan nina Cuello at Lopez ang magi­ging bakanteng WBC 105-pound throne sa Dis­yembre 10 sa undercard ng isang Mexico card na magtatampok kay WBC lightmiddleweight champion Saul ‘Canelo’ Alvarez.

Ang WBC minimumweight crown ay inaasa­hang isusuko ni Kazuto- Ioka matapos ang kanyang ikalawang pagdedepensa sa Nobyembre para sa pagtatakda ng Cuello-Lopez eliminator.

Inangkin naman ng 23-anyos na si Lopez (17-3-1, 13 KOs) ang WBC silver super flyweight title/world title eliminator makaraang patulugin si Oscar Ibarra sa 1:23 sa round eight.

Inaasahang lalaba­nan ni Lopez bilang isang mandatory challenger si world champion Suriyan Sor Rungvisai ng Thailand.

Ito ang magiging u­nang mandatory defense ni Rungvisai laban kay Lopez matapos umiskor ng isang unanimous decision kay Mexican Tomas Rojas para makuha ang WBC title noong Agosto 19.  

CUELLO

DENVER CUELLO

GANIGAN LOPEZ

LOPEZ

LOS CABOS

MEXICAN CARLOS PEREZ

MEXICAN TOMAS ROJAS

OSCAR IBARRA

PATRICIO CAMACHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with