^

PSN Palaro

Barriga masusukat agad sa Romanian boxer

-

MANILA, Philippines - Walang sinasayang na araw ang anim na boksinge­rong ilalaban ng ABAP sa 2011 AIBA World Boxing Championships sa Baku, Ajerbaijan.

Dumating ang delegasyon nitong Biyernes ng gabi at kinabukasan ay agad na nagsanay para mapanatili ang magandang kondisyon bilang paghahanda sa mabigat na laban.

Isinagawa ang draw nitong Linggo at naniniwala ang pamunuan na maganda ito at malaki ang tsansa ng mga pambato ng bansa na malusutan ang first round bouts.

Unang sasalang si light flyweight Mark Anthony Barriga ngayon laban kay Stefan Caslarov ng Romania.

Sunod na aakyat ng ring bukas ay si Asian Games gold medalist sa flyweight Rey Saluldar laban kay Tanjit Lally ng Canada.

Si Doha Asian Games gold medalist Joan Tipon ay sasalang sa Setyembre 28 laban kay Alberto Melian ng Argentina sa bantamweight habang si welterweight Delfin Boholst at light welterweight Rolando Tacuyan ay mapapalaban sa Setyembre 29 laban kina Stephan Danyo ng Netherlands at Mehdi Toloutibandpi ng Iran ayon sa pagkakasunod.

Ang lightweight na si Charly Suarez ay masusukat kay Luis Porozo ng Ecuador sa Oktubre 1.

vuukle comment

ALBERTO MELIAN

ASIAN GAMES

CHARLY SUAREZ

DELFIN BOHOLST

JOAN TIPON

LUIS POROZO

MARK ANTHONY BARRIGA

MEHDI TOLOUTIBANDPI

REY SALULDAR

ROLANDO TACUYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with