Blu Girls wagi sa Thais, pasok sa quarters
MANILA, Philippines - Nagtala si Mary Joy Lasquite ng isang seven-inning shutout game na nagbigay sa RP Blu Girls ng 3-0 panalo laban sa Thailand para makuha ang isang silya sa quarterfinal round ng 10th Asian Women’s Softball Championship sa Ciaoguang grounds in Nantou, Taiwan.
Ang 27-anyos na right-hand throwing na si Lasquite, isang dating University of the East stalwart, ay nagparetiro ng tatlong Thai batters patungo sa kanyang two-hit performance.
Hindi pinahintulutan ng Pinay pitcher ang pitong Thai batter na makapalo para sa kanyang no-relief job reminiscence.
Ito ang pangatlong panalo ng RP Blu Girls sa limang laro sa Pool A ng naturang seven-team elimination round.
Ang dalawang kabiguan ng mga Pinay ay mula sa South Korea at North Korea.
Ang single ni rightfielder Jocel Aguilar sa ibabaw ng fourth frame ang nagpasimula sa arangkada ng koponan.
Ito ay sinundan ng base-hit ni second basegirl Sherrylou Valenzuela na nagpaabante kay Aguilar sa second kasunod ang extra-base connection ni first base girl Dione Macasu.
- Latest
- Trending