Danny I, Castro; Santos pararangalan sa PBAPC Annual Awards

MANILA, Philippines - Kabilang sina Jason Cas­tro ng Talk ‘N Text at Arwind Santos at Danny Ildefonso ng Petron Blaze ang gagawaran ng parangal para sa 2011 PBA Press Corps Annual Awards sa Setyembre 30 sa Topaz Room ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Si Castro ang tatanggap ng Maynilad Mr. Qua­lity Minutes award, habang si Santos ang nahirang na Handy Fix Defensive Pla­yer of the Year at si Ilde­fonso ang kinilalang Comeback Player of the Year.

Bilang Comeback Pla­yer of the Year, tatanggapin ni Ildefonso ang William ‘Bogs’ Adornado Trophy.

Ang pinakatampok sa naturang annual awards ay ang pagbibigay ng Virgilio “Baby” Dalupan Trophy at ng Danny Floro Trophy sa ta­tanghaling Coach of the Year at Executive of the Year, ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa pagiging back-to-back champions sa naka­raang 36th season ng Tropang Texters, paboritong ma­nalo sina coach Chot Reyes at team owner Manny V. Pangilinan.

Ang iba pang award na ipamimigay ay ang Accel Order of Merit winner, Energen All-Rookie Team at ang Referee of the Year. Ang Order of Merit winner ay isang player na nakakuha ng pinakamaraming Best Player of the Week citations sa season.

Inihahandog ng San Miguel Corp., Talk N Text at Powerade, ilulunsad rin sa event ang annual magazine ng PBA Press Corps na The Extra Period na nagtatampok sa magandang ipinakita ng mga awardees.

Sina PBA commissio­ner Chito Salud, current board chairman Merit Mondragon, dating chairman Rene Pardo at iba pang PBA officials ay inaasa­hang dadalo sa awarding.

Si Castro ang ‘hands-down’ choice bilang Mr. Quality Minutes mula sa kan­yang ibinibigay na ener­hiya sa Tropang Texters mula sa bench.

 Nagbigay ang 5-foot-10 guard ng Philippine Christian U ng impact sa dalawang kampeonato ng Tropang Texters sa PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup kung saan siya kinilala ng dalawang beses bilang co-Finals MVP kasama si Jimmy Alapag.

Show comments