^

PSN Palaro

Japeth maglalaro na sa Texters sa darating na 37th PBA season

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Inaasahan na ang pag­lalaro ni Japeth Aguilar para sa Talk ‘N Text sa da­rating na 37th season ng Philippine Basketball Association (PBA) na magbu­bukas sa Oktubre 2.

Nagpakita ang 6-foot-9 na si Aguilar ng matutunghayan sa kanyang pag­lalaro sa PBA mula sa ipi­namalas sa kampanya ng Smart Gilas-Pilipinas sa ka­salukuyang 26th FIBA-Asia Men’s Championships sa Wuhan, China.

Sa kanilang 113-71 pa­nalo sa Bahrain, magkasabay na ipinasok ni Serbian coach Rajko Toroman sina Aguilar, Kelly Williams at Ranidel de Ocampo na magiging frontline ng Tro­pang Texters sa PBA.

Halos dalawang taon ang ibinuhos ng anak ni da­ting PBA player Peter Agui­lar sa programa ng Smart Gilas.

Sa naturang tagumpay kontra sa Bahrain, naglaro lamang ang dating Wes­tern Kentucky University stalwart sa second half ngu­nit tumapos siya na may team-high 21 points at 12 rebounds.

Iniskor ni Aguilar ang 14 markers sa third quarter nang magsimula nang lu­mayo ang Nationals sa Bah­rainis.

“We have two new rec­ruits in Japeth (Aguilar) and rookie Pamboy (Raymundo), so that should make the team a bit stronger,” sabi ni team owner Manny V. Pangilinan, sinamahan ang Nationals sa kanilang pagsabak sa FIBA-Asia bilang pangulo ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Inamin rin ni Pangilinan na nadismaya siya nang mabigo ang Tropang Texters na mahablot ang pinapangarap na Grandslam sa nakaraang 36th season ng liga.

Ang PLDT franchise sa­na ang magiging pang apat na koponang nakasikwat ng Grandslam matapos ang maalamat na Crispa (1976 at 1983), San Miguel (1989) at Alaska (1996).

“But it’s not the end of the world,” sambit nito.

Maliban kina Aguilar, Williams at De Ocampo, hi­niram rin ng Smart Gilas si 2011 PBA Most Valuable Pla­yer Jimmy Alapag para sa qualifying meet ng 2012 Lon­don Olympics.

“We’ll take it as it comes, one game at a time, one con­ference at a time,” sabi ni Pangilinan sa pangarap pa ring Grandslam ng Talk ‘N Text sa PBA.

vuukle comment

AGUILAR

ASIA MEN

BAHRAIN

DE OCAMPO

GRANDSLAM

JAPETH AGUILAR

N TEXT

PANGILINAN

SHY

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with