^

PSN Palaro

Ibang Manny Pacquiao ang makakasagupa ni Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, Philippines  – Naiibang Manny Pacquiao ang matutunghayan sa kan­yang pakikipagharap kay Mexican Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12.

Kaya naman sa ensa­yo pa lamang ay ibang pag­papakondisyon na ang gi­nagawa ni Pacquiao.

“Patindi nang patindi ang training natin,” wika kahapon ni Pacquiao matapos ang kanyang pagtakbo sa Philippine Sports Commission oval track di­to sa Teachers Camp. “Pa­dagdag nang padagdag ‘yung oras ng training.”

Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight belt laban kay Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nakakasabay rin ng Fi­­lipino boxing superstar sa paghahanda sina Filipino boxers Lorenzo Villanueva at Rodel Mayol.  

“Sini-sharei ko ‘yung mga nalalaman ko sa stra­tegy, kung paano bumilis,” dagdag ng Sarangani Congressman. “Maganda kasa­bay ko sila mag-training.”

Sinabi naman ni Filipino trainer Buboy Fernandez na ang tunay na preparas­yon ay mangyayari sa ika­lawang linggo nila ni Pac­quiao.

“Hindi basta-bastang boksingero kasi si Marquez kaya dapat paghandaan, kahit na sabihin na nating tinalo natin siya ng isang be­ses, eh dapat handa pa rin si Manny,” wika ni Fernandez.

“Kailangan nating mag-ensayo ng mabuti,” dagdag naman ni Pacquiao.

Halos dalawang buwan kung maghanda si Pac­quiao sa kanyang mga na­karaang laban. Ngunit laban kay Marquez, humiling pa si Pacquiao ng dagdag na dal­a­­­wang linggo.

Isang draw ang naitakas ni Marquez sa kanilang unang pagkikita noong 2004 at inagaw ni Pacquiao ang WBC super feather­weight title ni Marquez noong 2008.

BUBOY FERNANDEZ

LAS VEGAS

LORENZO VILLANUEVA

MARQUEZ

MEXICAN JUAN MANUEL MARQUEZ

NAIIBANG MANNY PACQUIAO

NOBYEMBRE

PACQUIAO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with