^

PSN Palaro

Pacquiao dedma muna sa intriga

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, Philippines - Sa gitna ng mga intriga, nakatutok pa rin si Filipino Boxing superstar Manny Pacquiao sa kanyang three-week high-altitude training dito sa Baguio.

Tinawanan lamang ni Pacquiao, nasa kanyang ika­lawang araw ng pagpa­pakondisyon, ang usap-usapan hinggil sa kanyang pambababae matapos mag-alok ang kanyang asa­wang si Jinkee ng Her­mes bag sa sinumang ma­kakapagpatunay na totoo ang nasabing tsismis.

Noong nakaraang taon ay naging maugong ang sinasabing relasyon ni Pacquiao kay Krista Ranillo matapos magkalapit mula sa ginawa nilang pelikula.

“Grabe naman,”sabi ni Pacquiao matapos ang pagtakbo sa Sta. Lucia Sub­division. "Let's not talk about that."

Ayon sa boxing sensation, gumagawa ng pelikula at kasalukuyang may game show, hindi muna siya gagawa ng pelikula habang nagsasanay.

Ito ay kahit na may bu­lung-bulungan na itatambal siya kay General Santos City personality at Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup.

“Lie low muna sa mo­vies,” sambit ni Pacquiao. “But it will be a privilege to be with her. She is beautiful and I'm proud that she is also from Mindanao like me.”

Pinaghahandaan ni Pac­quiao ang kanyang pangatlong laban kay Mexican Juan Manuel Marquez na nakatakda sa Nobyembre 12 sa MGM Grand in Las Vegas. 

Samantala, hindi pa rin nakakapasok ang mga local mediaman sa gym na pinagsasanayan ni Pacquiao at ang tanging pinapayagan lamang na makapasok ay ang mga tv crew ng HBO at ang crew ng isang local network.

vuukle comment

FILIPINO BOXING

GENERAL SANTOS CITY

KRISTA RANILLO

LAS VEGAS

LUCIA SUB

MEXICAN JUAN MANUEL MARQUEZ

MISS UNIVERSE

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with