^

PSN Palaro

Pacman nagsimula na ng training

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, Philippines - Sini­mu­­lan ni Filipino Boxing sensation Manny Pacquiao ang kanyang high altitude training dito kahapon sa pa­mamagitan ng road runs sa Burnham Park.

Ibinuhos ang kanyang 21 minuto sa kalsada at sa mid crunches, sabi ni Pacquiao na mag-a-adjust pa siya sa klima sa Baguio bago sumabak sa isang three-week training bilang paghahanda sa kanilang banggaan ni Mexican Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand in Las Vegas. 

Inaalala ng Team Pacquiao ang traffic dito, parti­kular sa Naguillan Road kung saan sila pansaman­talang nanunuluyan sa Sta. Lucia Golf and Country Estates.

Ang nangyayaring road repairs sa Naguillan Road ang nagdudulot ng abala sa mga businessmen at motorists kung saan ang Baguio-bound traffic ay idi­naan sa circumferential road pagdating sa Sta. Lucia Golf and Country Esta­tes kung saan tumatakbo si Pacquiao sa umaga bago ang kanyang gym workout.

“Maapektuhan siyempre yung travel time from Hotel to Burnham,” sabi ni assistant coach Buboy Fernandez. Nagulat kami naging busy na yung Sta Lucia.”

Ibinibigay ng Sta. Lucia properties ang perpektong uphill road runs para kay Pacquiao bukod pa ang pag-jogging niya sa Burnham Park.

Sinimulan na rin ni Pacquiao ang kanyang gym work-out sa Cooyesan Hotel gym sa pamamagitan ng mitt punches sa pagdating ni Freddie Roach.

Ang Sarangani representative ay ikinukunsi­de­rang isang 8-1 favorite para talunin si Marquez, nakalaban ang Filipino sa isang 12-round draw noong May 2004 at natalo naman via split decision sa kanilang rematch noong March 2008.

Ang kanilang third fight ay gagawin sa catch weight na 145 lbs.

ANG SARANGANI

BUBOY FERNANDEZ

BURNHAM PARK

COOYESAN HOTEL

FILIPINO BOXING

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

NAGUILLAN ROAD

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with