^

PSN Palaro

Star wagi sa 100plus balik sa liderato; Secret Spices buhay pa

-

MANILA, Philippines - Pinabagsak ng Star Group of Publications ang 100plus, 73-62, upang makasalo muli sa liderato ang Parola Maritime, habang nakaungos ang Secret Spices sa Manila-Hobe, 87-85, at mapanatiling buhay ang kanilang tsansa sa 2011 MBL Cor­porate Cup basketball championship sa San Andres gym sa Malate, Manila.

Ang dating PMI mainstay na si Virgilio Roque ang nagpasiklab ng husto sa Star Group matapos gumawa ng 20 puntos, kabilang ang anim sa low-scoring, defense-oriented na tagisan sa fourth quarter upang maitakas ng team nina coach Alfred Bar­tolome at manager Mi­ke Maneze ang ika-apat na panalo sa limang laro sa eight-team tournament na itinataguyod ng Cebuana Lhuillier, Ironcon Builders, Dickies Underwear, PRCCouriers at WG Diner.

Nag-ambag naman sina Niño Sangalang ng 12 puntos at Gio Coquilla ng 11 puntos para sa Starmen, na nakatabla ang Parola sa first place na kapwa may hawak na 4-1 panalo-talo.

Ang dating Lyceum standout na si Rhum Perry Scott at Ralph Sonsona ay gumawa ng tig 14 puntos para sa100plus, na bumagsak sa ikaapat na pwesto sa kanilang 2-2 record.

Si Kyle Yulo ay gumawa naman ng 12 puntos.

Samantala, ang Secret Spices ay sumandal sa strong inside game nina MJ Magbanua at Dudoy Ignacio at sa playmaking skills nina Maco Maconocido at Mar Reyes upang bi­guin ang makailang ulit na rallies ng Manila-Hobe at sungkutin ang kanilang ika-dalawang sunod na panalo.

vuukle comment

ALFRED BAR

CEBUANA LHUILLIER

DICKIES UNDERWEAR

DUDOY IGNACIO

GIO COQUILLA

IRONCON BUILDERS

MACO MACONOCIDO

MANILA-HOBE

SECRET SPICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with